Joint Anti-Bank Robbery at Cybercrime Coordinating Committee Meeting isinagawa sa Lucena City

Nagsagawa ng Joint Anti-Bank Robbery at Cybercrime Coordinating Committee Meeting ang LGU at Quezon PNP sa 4th Floor, Lucena City Government Complex, Brgy. Kanlurang Mayao Lucena City nito lamang Martes, Pebrero 21,2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Mark B. Alcala, City Mayor ng Lucena katuwang sina Roderick C. Alcala, City Vice-Mayor, Police Colonel Ledon D Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office at Police Lieutenant Colonel Erickson B Roranes Acting Chief of Police ng Lucena City Police.

Ang binuong komite ay inorganisa upang bigyan ng tugon ang lumalaking banta ng mga krimen partikular na sa mga bank robbey na nagaganap sa Lucena City.

Ang naturang aktibidad ay nabuo dahil na rin sa pagsisikap at pagtutulungan ng Quezon Police Provincial Office at ng lokal na pamahalaan ng Lucena City upang makaiwas sa anumang krimen at mapanatili ang ligtas at maayos na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *