Clean-up Drive nilahukan ng Barangay Solid Waste Collector ng Taguig City

Aktibong nilahukan ng mga miyembro ng Solid Waste Collector ng Taguig City ang isinagawang Clean-up Drive sa Bagumbayan River, Taguig City nito lamang umaga ng Biyernes, Pebrero 24, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Battalion Community Affairs Section ng RMFB sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jonathan G Calixto, Force Commander ng RMFB.

Layunin ng aktibidad na ito na mapangalagaan ang ating mga anyong tubig upang di pamahayan ng mga insekto at hindi maging sanhi ng mga pagbaha sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *