Membership renewal at Oath-taking Ceremony, isinakatuparan ng Albay PAGTD
Screenshot
Nakiisa ang mga kasapi ng Albay Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development sa isinagawang 2026 Membership Renewal at Oathtaking Ceremony na ginanap nito lamang April 15, 2026.
Nagtipon-tipon ang mga miyembro para sa isang seremonya kung saan binigyang-diin ang pagkakaisa, dedikasyn at pagtutulunhan para sa iisang layunin sa pagbibigay serbisyo para sa komunidad.
Sabay ding nanumpa ang mga bagong renewed members kasama ng nga inducted officers ng Albay PAGTD kung saan pinagtibay nila ang kanilang suporta sa mga hangarin at programa ng organisasyon.
Kinilala naman ni PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay PPO, ang mahalagang gampanin ng grupo sa pagkakaroon ng progreso at positibong pagbabago sa buong Albay Kasurog Cops.
Dagdag pa niya na mahalaga ang pagtutulungan, integridad, at aktibong partisipasyon ng bawat isa para sa pagkamit ng hangarin ng pamahalaan.
Ipinakilala din ng hepw ang Serbisyong NOEL – isang advocacy campaign ng Albay PPO para labanan ang lahat ng uri ng kriminalidad sa lalawigan, kung saan hinikayat niya ang PAGPATD members na makibahagi sa nasabing kampanya sa pamamagitan ng pagtiwala sa hanay ng pulisya.