Municipal Advisory Group, KKDAT, at MBKLC Members nagpulong para sa pagsusulong ng mga proyektong pangkomunidad sa Abulug, Cagayan

0
viber_image_2026-04-17_15-21-57-487

Matagumpay na isinagawa ang isang pagpupulong ng mga miyembro ng Abulug Municipal Advisory Group, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at My Brother’s Keeper Life Coach (MBKLC) kasama ang Abulug Police Station, na ginanap sa himpilan ng nasabing istasyon nito lamang ika-16 ng Abril, 2026.

Pinangunahan ni PCPT John Jefferson A. Bumanglag, Officer-in-Charge ng Abulug Police Station, ang nasabing aktibidad kung saan aktibong nakibahagi sina Hon. Marie Angelie Vargas, Presidente ng Municipal Advisory Group at mga miyembro ng KKDAT at MBKLC.

Sa pagpupulong, tinalakay ang mga prayoridad na programa at planong proyekto na nakatuon sa kapakanan ng komunidad. Nagkaroon din ng masinsinang palitan ng mga mungkahi at hakbang upang higit pang mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng PNP Abulug, lokal na pamahalaan, at iba pang stakeholder para sa epektibong pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa bayan.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang pagtutulungan ng kapulisan at iba’t ibang sektor ng komunidad sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan na sumasalamin sa adhikain ng Bagong Pilipinas.

Source: Abulug PS Valley Cops

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *