R-PSB Send-Off Ceremony, isinagawa sa Donsol, Sorsogon

0
viber_image_2026-04-15_16-14-51-373

Matagumpay na isinagawa ang Revitalized Pulis Sa Barangay (R-PSB) Sendoff Ceremony nitong Abril 14, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga sa Donsol East Central School, Brgy. Poso, Pilar, Sorsogon.

Nagsimula ang aktibidad sa isang simpleng programa na sinundan ng mga mensahe mula sa mga pangunahing stakeholder.

Ipinahayag ng mga Barangay Chairpersons na tatanggap sa R-PSB ang kanilang “Message of Acceptance,” bilang patunay ng kanilang kahandaan na makipagtulungan sa kapulisan. Iginawad din ang Certificates of Appreciation sa mga stakeholder bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa programa.

Dinaluhan ito ni HON. WALTER R. LUBIANO, Municipal Mayor ng Donsol, bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, na tumanggap din ng pagkilala para sa kanyang patuloy na suporta sa R-PSB.

Bilang bahagi ng programa ay nagbigay si PCOL ALEX C DANIEL, Provincial Director, ng mensahe sa mga panauhin at sa mga kapulisan na ide-deploy sa mga barangay, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng disiplina, malasakit, at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad upang mas mapalakas ang peace and order sa mga barangay.

Nakibahagi rin ang iba’t ibang sektor kabilang ang mga Barangay Chairpersons ng San Juan at San Rafael, MLGOO, Municipal Liga ng mga Barangay, force multipliers, at iba pang stakeholders—patunay ng sama-samang pagkilos para sa mas epektibong community policing.

Ayon kay PCOL DANIEL, Ang Revitalized Pulis Sa Barangay ay hindi lamang programa, kundi isang panata ng mas pinaigting na serbisyo at malasakit sa bawat komunidad. Sa tulong ng pagkakaisa ng kapulisan, pamahalaang lokal, at mamamayan, makakamit ng buong komunidqd ang mas ligtas, maayos, at mapayapang mga barangay.

Source: Sorsogon PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *