Pulung-pulong Kontra Terorismo, isinagawa sa Claveria, MisOr

Matagumpay na naisagawa ang Pulung-pulong Kontra Terorismo na ginanap sa Covered Court ng Barangay Pambugas, Claveria, Misamis Oriental nito lamang Lunes, ika-10 ng Abril 2023.

Tinalakay ni Police Captain Kenrich M Tyson, Team Leader ng Revitalized Pulis sa Barangay Claveria, Misamis Oriental ang Anti-Terrorism Act of 2020 (RA11479) kung saan binigyang diin ang masamang epekto ng pagsali at maging ang kahihinatnan kung makikilahok sa teroristang grupo.

Layunin nito na mamulat ang mamamayan sa masamang gawain ng Communist Terrorist Group at maiwasan ang pagsali sa naturang grupo upang labanan ang terorismo, kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan sa ating inang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *