Kaligkasan Warriors nakiisa sa Clean-Up Drive sa San Antonio, Zambales

Nagtulungan ang mga miyembro ng Kaligkasan Warriors at PNP sa paglilinis ng dalampasigan sa Barangay San Miguel sa Pundakit, San Antonio, Zambales nito lamang ika-11 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng San Antonio PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Noel C Sitjar, Acting Chief of Police.

Nagkaisa ang grupo sa pagpulot ng mga plastik na nakakalat sa dalampasigan na nagresulta sa sako-sakong nalikom na basura.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng karagatan na pangunahing pinagkukunan ng hanap-buhay ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *