Tree Planting Activity isinagawa sa General Santos City

Nagtulungan ang iba’t ibang opisina ng Lungsod ng General Santos sa pagtatanim ng mga puno sa labas ng Lagao National High School Extension, General Santos City nito lamang ika-12 ng Abril 2023.

Ang nabanggit na aktibidad ay inorganisa ng mga guro ng nasabing paaralan na aktibo namang nilahukan ng mga mag-aaral katuwang ang mga kawani ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Regional Training Center 12.

Ito ay bahagi ng adbokasiya para sa kalikasan na naglalayong maibalik ang ganda at yabong ng mga puno sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *