Mahigit 400 na kabataan, nakiisa sa isinagawang Information Drive sa Baguio City

Tinatayang 422 na mag-aaral ang nakiisa sa isinagawang Information Drive ng Technical Support Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 sa Pacday Quinio Elementary School, Baguio City nito lamang ika-13 ng Abril 2023.

Tinalakay at nagbigay kaalaman ang nasabing grupo ukol sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Terrorism at Anti-Bullying sa mga mag-aaral na binubuo ng grade 4, 5 at 6 ng Pacday Quinio Elementary School.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng PNP ang mga kabataan na maging maingat at mausisa sa mga sinasalihang grupo o organisasyon upang maiwasan ang mga mapaglinlang na makakaliwang grupo.

Layunin ng aktibidad na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa mga dapat at di dapat gawin upang makaiwas sa krimen. Hinikayat din ng PNP ang mga mag-aaral na makiisa at suportahan ang mga programa ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *