KKDAT-Kiangan at volunteers, nagsagawa ng Clean Up Drive sa Patukan Watershed

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan kontra Droga at Terorismo- Kiangan Chapter at iba pang volunteers sa isinagawang Clean-Up Drive sa Patukan Watershed Poblacion, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-11 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Kiangan Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng KKDAT- Kiangan, mga volunteers at residente ng naturang barangay.

Ang mga nasabing grupo ay sama-samang namulot ng mga basura at nakalikom ng sako-sakong mga basura.

Ito ay naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran lalo na sa pinagkukuhanan ng tubig. Nais din ng grupo na hikayatin ang mga residente na makiisa sa tamang pagtapon ng mga basura sa nararapat na lalagyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *