RKTODAI, nakatanggap ng mga Food Packs sa Marikina City

Masayang tinanggap ng mga miyembro ng RKTODAI na mga tricycle drivers ang ipinamahaging mga food packs mula sa mga kapulisan sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City nito lamang Martes, Hunyo 13, 2023.

Ito ay isa sa inisyatibo ng tauhan ng 2nd MFC ng RMFB sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Arnold M Licerio, Company Commander ng nasabing yunit.

Lubos ang pasasalamat ng grupo sa knilang natanggap na food packs na may laman na mga de-lata, noodles, bigas at mga facemask.

Naglalayon ang kapulisan na ipakita ang pagmamahal, pagkalinga at pagkabukas-palad sa mamamayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *