KKDAT Santiago, nakilahok sa PROJECT Ka.Ba.Ta.
Aktibong nakilahok ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang PROJECT Ka.Ba.Ta. ng Santiago PNP sa Cabulay High School, Brgy Cabulay, Santiago City noong ika-14 ng Hunyo 2023.
Nagkaroon ng talakayan ukol sa Anti-Terorismo at BIDA Program ng DILG. Tinalakay din ang Stages of Youth Recruitment of CPP-NPA-NDF na naaayon sa kampanya kontra terorismo ng Philippine National Police. Ito ay isang hakbang ng kapulisan upang isalba ang mga Kabataang narerekrut ng CTGs.
Sinundan naman ng lektyur tungkol sa Kontra droga alinsunod sa BIDA Program ng DILG na may layuning ilihis at imulat ang mga kabataan sa epekto at mga parusang kanilang kakaharapin kapag sila ay nasangkot.Gayundin, nagkaroon din ng Zumba Activity bilang pangwakas.
Tinatayang nasa humigit kumulang 100 na estudyante na nasa Grade 11 ang dumalo sa nasabing aktibidad.
Layunin ng aktibidad na maisalba ang mga kabataan sa maaaring kasangkutan nila na dulot ng masamang impluwensya mula sa mga makakaliwang grupo. Isa din dito ang maging kampante sila na makiisa sa mga aktibidad at programang kapaki-pakinabang sa komunidad upang makaiwas sa magsasamang bisyo at gawain.
Source: CMFC, Santiago City