Davao City Mayor’s Office, namahagi ng Food Packs sa mga residente

Namahagi ng mga food packs ang mga kawani ng Davao City Mayor’s Office (DCMO) katuwang ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 1 sa Brgy. Baracatan, Toril District, Davao City, Hunyo 15, 2023.

Maayos na naipamahagi ng mga kawani ng DCMO ang mga food packs na para sa mga residente.

Kaya naman nagpapasalamat ang mga residente sa mga kawani ng DCPO sa pangunguna ni Mayor Baste Duterte at sa R-PSB Cluster 1 sa kanilang mga ipinamahaging munting tulong.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong maibalik ang tiwala ng mamamayan sa gobyerno sa pamamagitan ng paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan lalo na sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *