Mandaluyong CPS, nagsagawa ng outreach program bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month
Nagsagawa ng outreach program ang Mandaluyong City Police Station (CPS), sa pangunguna ni PCOL REY G. OCHAVO, Officer-in-Charge, katuwang si Dr. Jonathan Chiong, para sa mga residente ng Block 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City noong Nobyembre 18, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2026.
Layunin ng aktibidad na itaguyod ang kapakanan ng mga bata, palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, at maghatid ng kasiyahan at makabuluhang tulong sa mga pamilya, partikular sa mga kabataang kabilang sa komunidad.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, muling pinagtitibay ng Mandaluyong CPS ang pangako nitong pangalagaan ang karapatan ng bawat bata, itaguyod ang isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa kanilang paglaki, at patatagin ang ugnayan sa mamamayan tungo sa isang mas ligtas at maunlad na kinabukasan.