Mangrove Tree Planting, isinagawa ng Force Multipliers sa Samar

Santa Rita, Samar -Nagsagawa ng Mangrove Tree Planting Activity ang Force Multipliers sa Brgy. San Juan, Santa Rita, Samar nito lamang Martes, Hunyo 27, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinasimulan ng staff ng Globalport Tacloban Terminal Incorporated sa pamumuno ni Glenn A. Tabanao, General Manager kasama si Hon. Jade Kie R. Tiu, Municipal Mayor ng Sta. Rita, Samar, mga kawani ng Department of Tourism sa pamumuno ni Ms. Karina S Tiopes, RD, mga kinatawan ng Sta. Rita MENRO sa pamumuno ni G. Abraham B. Ibañez at mga tauhan ng 805th Maneuver Company RMFB 8.

Mahigit kumulang 100 Mangrove Tree o Bakawan ang naitanim ng mga nakilahok sa nabanggit na lugar.

Layunin ng aktibidad na protektahan at pagyamanin ang likas na yamang dagat dahil ang mga bakawan ang siyang poprotekta sa mga baybayin at komunidad na malapit sa dagat mula sa malakas na alon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *