Relief Operations, Isinagawa sa North Cotabato

Umuwing may ngiti ang mga residente mula sa Barangay Macasendeg, Midsayap, North Cotabato nang makatanggap ang mga ito ng ayuda mula sa pamahalaan at sa mga pribadong grupo sa pamamagitan ng relief operations na isinagawa ngayong araw ng Huwebes, ika-29 ng Hunyo 2023.

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng tig-sampung kilong bigas, tig-anim na litro ng tubig, grocery packs at mga loaf bread.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa mga miyembro ng Rotary International District 3870, Rotary Club of Pigcawayan, Midsayap Rotaract Club, 34th Infantry Battalion, 6th Infantry Division, Philippine Army at sa kapulisan ng 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company, sa pagsagawa ng Relief Operations kung saan abot sa mahigit 200 pamilya ang nabiyayaan ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *