“Bisita Eskinita” nilahukan ng Force Multipliers sa Navotas City

Aktibong nilahukan ng mga Force Multipliers ang isinagawang “Bisita Eskinita” sa mga eskinita ng Brgy. Tangos South nito lamang umaga ng Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Personal na pinangunahan ni Police Colonel Allan B Umipig, Chief of Police kasama ang mga kapulisan ng Sub-Station 2.

Binisita nila ang mga eskinita sa nasabing barangay kung saan ay pinaalalahanan ang mga residente dito na may “Pulis sa Barangay” na handang tumulong anumang oras gayun din ang pagpapaalala na mag ingat ngayon panahon ng tag ulan.

Sa pagtutulungan ng komunidad, barangay at kapulisan ay mas mapapabilis ang pagsugpo sa anumang uri ng kriminalidad sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *