Libreng Check-up at pamamahagi ng gamot, handog ng LGU Gensan

Nagsagawa ng libreng check-up at pamamahagi ng gamot na may temang “Lingap Galing sa Puso” ang mga tauhan ng LGU sa Barangay Olympog, General Santos City nito lamang ika-29 ng Hunyo 2023.

Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao ang naturang aktibidad katuwang ang mga tauhan ng LGU Gensan.

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng mga libreng gamot, libreng check-up at meron ding birth registration, pamamahagi ng mga punla at payong.

Nakiisa din sa aktibidad ang Gensan PNP upang matiyak ang seguridad ng naturang programa.

Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil sa patuloy ang pagtulong ng mga programa ng pamahalaan sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *