LGBTQ Advocacy Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Sultan Kudarat

Nakiisa ang mga miyembro ng Makasining Lahi of Tacurong City (LGBTQ Advocacy Group) sa isinagawang Community Outreach Program sa Purok Malipayon, Brgy. San Emmanuel, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang Hulyo 10, 2023.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, katuwang ang mga miyembro ng Daguma Mt. Range Chapter No. 65 at LGBTQ Advocacy Group.

Tampok sa nangyaring outreach program ang libreng operation tuli, libreng gupit, parlor games, pamamahagi ng food packs, libreng pakain at marami pang iba.

Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa kanilang natanggap na tulong at serbisyo sa mga nasabing grupo.

Layunin ng programa na tulungan, mapasigla, at suportahan ang mga residente sa mga serbisyong hatid at maiparating ang malasakit at pagmamahal sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *