KKDAT, nakiisa sa Clean-Up Drive Activity sa Hamtic Antique

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang clean-up drive activity sa Sitio Sumadsad, Brgy Caridad, Hamtic, Antique nito lamang ika-16 ng Hulyo 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Hamtic Municipal Police Station katuwang ang Brgy. Officials, KKDAT, Barangay Peakeeping Action Team, Barkada Kontra Droga at iba pang mga volunteers.

Hinakot ng mga kalahok ang lahat ng basura na nakakalat upang hindi pamugaran ng lamok na mamaaring madulot ng sakit sa mga residente.

Layunin ng grupo na maging modelo sa mga iba pang mga kabataan na makipag-ugnayan sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang kanilinisan at kaayusan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *