Advocacy Support Groups at Stakeholders, nakiisa sa isinagawang Community Outreach Program sa Pasay City

Dinagsa ng mga residente ng Barangay 91 Zone 9 ng Pasay City ang isinagawang Community Outreach Program sa pamamagitan ng feeding activity nito lamang Miyerkules, Hunyo 19, 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan din ng grupong Pasay Public Market Multi Purpose Corporation (PPMMPC), at ni Dr. Vincent Sy Chan, Founder ng Brixton Hills Volunteer Fire Brigade at Founder, The Good Fellow Foundation.

Katuwang din dito ang mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Jenny DC Tecson, Chief, DCADD kasama ang mga tauhan ng Pasay City Police Station. Ang aktibidad na ito ay upang palakasin ang magandang relasyon sa pagitan ng publiko at Pulis tungo sa isang mapayapa at progresibong pamayanang mabubuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *