Operation Libreng Tuli, Libreng Gupit at Feeding Program isinagawa ng Advocacy Support Groups

Tulong-tulong ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Dagat-dagatan Elementary School, Brgy. NBBS, Navotas City sa ganap na 8:00 ng umaga nito lamang Biyernes, Hulyo 21, 2023.

Ang aktibidad ay naisakatupran sa inisyatibo ni Konsehala Judele Cañete, SK Federation Chairwoman and KKDAT President katuwang ang R5 NCRPO, PNP Finance Service RFSO 16 at Regional Medical and Dental Unit sa aktibong suporta ng Navotas City Police Station.

Nagkaroon ng Libreng Tuli, libreng gupit at Feeding Program sa mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod na malaking tulong sa kanilang mga magulang upang mapapagaan ang kanilang mga pinansyal na pasanin partikular sa pag-avail ng libreng tuli. Ang naturang programa ay pakikiisa din ng grupo sa paggunita sa PCR Month.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *