Force Multipliers, nakiisa sa Clean-up Drive sa Cebu City

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Mambaling, Cebu City nito lamang ika-26 ng Hulyo 2023.

Katuwang sa aktibidad ang tauhan ng Cebu City Forensic Unit sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Marco Donato Q Ponce De Leon, Chief CCFU, kasama ang Barangay Officials at Bantay Dagat ng nasabing barangay.

Masigasig na nagpulot ng samu’t saring basura ang nasabing grupo sa baybayin at patuloy na pinapaalalahanan ang komunidad na itapon sa tamang basurahan ang kanilang mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *