Revitalized- Pulis sa Barangay Summing-Up Activity, nilahukan ng Faith-based Leaders

Northern Samar – Nakilahok ang mga Faith-based Leaders sa isinagawang Revitalized-Pulis sa Barangay Summing-Up Activity sa San Roque, Northern Samar nito lamang Hulyo 28, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PBGen Vincent S Calanoga, Regional Director ng PRO 8, kasama ang Faith-based Leaders sa pangunguna ni Ptr. Reynaldo Lobos, TESDA, mga kawani ng Provincial Government ng Northern Samar, DILG at mga Brgy. Officials’ ng nasabing lugar.

Sa aktibidad, ang mga kapitan ng Brgy. ng Balud, Bantayan, Coroconog, Malobago, Balnasan, Lawaan at Pagsang-an, lahat ng San Roque, Northern Samar ay ipinakita ang kanilang community engagement at immersion activities sa ilalim ng R-PSB program gayundin ang kanilang mga plano at programa sa hinaharap para sa kani-kanilang mga lugar ng responsibilidad.

Binigyang-diin din ng mga koponan ng RPSB-San Roque ang pangangailangan ng access sa mga serbisyo ng gobyerno tulad ng maiinom na tubig, mga dokumento ng civil registry, pagsasanay, programang pangkabuhayan, at iba pang mahahalagang pasilidad ng komunidad.

Layunin ng aktibidad ay masuri ang primary at secondary needs ng komunidad at para sa mga kinauukulang ahensya na magbigay ng mga necessary interventions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *