Kasimbayanan Weekly Interactive Meeting (KWIM) thru Moral-Spiritual & Values, isinagawa sa Las Piñas City

Aktibong nilahukan ng mga Force Multipliers ang isinagawang Kasimbayanan Weekly Interactive Meeting (KWIM) thru Moral-Spiritual and Values na ginanap sa tanggapan ng Pamplona Sub-Station nito lamang hapon ng Martes, ika-8 ng Agosto 2023.

Ito ay pinangunahan ni Pastor Antonio Ticsay, Council ng mga Pastor/Bless Our COPS (BOC) Life Coach kasama ang mga tauhan ng Pamplona Sub-Station.

Layunin nitong palakasin ang moral at espiritwal na pagpapahalaga ng bawat mamamayan alinsunod sa Spiritual Upliftment at Growth nang sa gayo’y iba’t iba man ang paniniwala, nagkakaisa naman ang Pilipino sa pananampalataya upang makamit ang tinatamasang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa bansa.

❤️

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *