Libreng tsinelas, handog ng Force Multipliers sa Cebu

Namahagi ng libreng tsinelas ang mga miyembro ng Force Multipliers sa mga residente ng Brgy. Palanas, Ginatilan, Cebu nito lamang ika-6 ng Agosto 2023.

Katuwang ng naturang grupo ang mga tauhan ng Cebu 2nd Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Epream Gaayon Paguyod, Force Commander kasama ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles – Western Elite Eagles, Barangay Officials at Farmers Association.

Umabot sa tinatayang 100 na residente ang naging benepisyaryo ng naturang aktibidad na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng mamamayan at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa progresibo at mapayapang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *