Force Multipliers nakiisa sa Brigada Eskwela sa Paniqui, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Force Multipliers sa isinagawang Brigada Eskwela 2023 sa Coral Elementary School, Barangay Coral, Paniqui, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-17 ng Agosto 2023.

Dinaluhan rin ito ng mga tauhan ng United Women of Paniqui, mga guro at mga miyembro ng Parents and Teachers Association.

Nagtulungan sa paglilinis ng paaralan kung saan tinanggal ang mga maaring pamugaran ng mga lamok at nagwalis sa paligid ng mga silid-aralan. Ang nasabing aktibidad ay naglalayong malinis ang paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ngayong buwan ng Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *