Faith-Based Advocacy Group, nakiisa sa Community Outreach program sa Iloilo

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Group sa isinagawang community outreach program sa mga residente ng Baptist Village, Brgy. Barosbos, Carles, Iloilo nito lamang ika-26 ng Agosto 2023.

Katuwang ng grupo ang mga miyembro ng youth volunteers at Carles Municipal Police Station na kung saan ay nagbahagi ng salita ng Diyos si Pastor Jan Entatano sa mga bata na sinabayan ng kantahan at feeding program.

Bakas sa mga mukha ng mga bata ang saya at tuwa sa hatid ng kapulisan at ng mga volunteers.

Patuloy ang grupo katuwang ang mga volunteers at ng ating kapulisan sa mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *