Brgy. Based Advocacy Group nakiisa sa Clean-Up Drive sa Batangas

Nakiisa sa isinagawang Clean-Up Drive ang Brgy. Based Advocacy Group sa Brgy. Bagong Pook, Malvar, Batangas nito lamang ika-26 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Malvar Municipal Police Station katuwang ang Brgy. Officials, Barangay Public Safety Officers at iba pang aktibong mamamayan ng nabanggit na barangay.

Ang naturang mga grupo ay sama-samang nagwalis sa kalsada, nagdamo at nagtanggal ng mga plastic wastes na magdudulot ng pagbara at pagbaha tuwing umuulan.

Layunin nitong hikayatin ang mamamayan na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran para maiwasan ang mga sakuna at sakit lalo nitong panahon ng tag-ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *