Youth Mobile Force-Abra, nakiisa sa Outreach Program

Nakiisa ang mga miyembro ng Youth Mobile Force-Abra sa isinagawang Community Outreach Program sa Bañacao Elementary School, Bangued, Abra nito lamang ikaw-25 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 15 katuwang ang mga kasapi ng Youth Mobile Force-Abra.

Ang nasabing grupo ay nagturo sa mga mag-aaral ng pagbasa, pagkulay, pagsulat, story telling, libreng gupit at pamamahagi ng school supplies sa 50 estudyante ng naturang paaralan.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong mabigyang halaga ang mga pangangailangan ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral at magsilbing inspirasyon ito upang lalo pa silang ganahan sa kanilang pag-aaral

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *