KKDAT Kabugao Chapter, sumailalim sa Basic Youth Leadership Training

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay ng Basic Youth Leadeship ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Kabugao Chapter sa Iyapan Heights, Kabugao, Apayao nito lamang ika-26-27 ng Agosto 2023.

Ang nasabing pagsasanay ay pinangasiwaan ng mga tauhan ng 5th Company, Regional Mobile Force Battalion 15 at nilahukan ng mga miyembro ng KKDAT mula sa iba’t ibang barangay ng Kabugao.

Ito ay may temang “To Serve Today, To Lead Tommorow” na naglalayong pagyamanin ang pagkakaisa sa paglilingkod sa bayan ng mga kabataan. Sa kabila ng maulan na panahon, hindi nagpatinag ang mga kalahok na pagtagumpayan ang mga serye ng aktibidad gaya ng mga lectura hinggil sa leadership at mga patimpalak na humuhubog sa pagkakaisa at pakikisama.

Samantala, buong pusong pinasalamatan ng mga miyembto ng KKDAT ang pulisya sa paghubog ng kanilang determinasyon at kakayahan na maging mabuti at mahusay na pinuno ng susunod na henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *