Tree Planting Activity isinagawa sa Pilar, Abra

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Pilar Municipal Police Station sa Brgy. Brookside, Pilar, Abra nito lamang Agosto 26, 2023.

Masayang nilahukan ang aktibidad ng mga miyembro ng KKDAT Brookside Pilar Chapter, MAC Members, Brgy. Officials, Drug Surrender’s ongoing CBDRP/RWP at sa pangunguna ng Pilar PNP katuwang ang 2nd Abra PMFC.

Matagumpay ang aktibidad na di alintana ang pag-ulan upang maitanim ang 350 seedlings ng mahogany, narra at madre cacao sa nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naglalayong mapreserba at maproteksyonan ang likas na yaman sa lugar at buhayin muli ang ispiritu ng bayanihan ng komunidad, kabataan at kapulisan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *