KKDAT lumahok sa isinagawang Clean-up Drive sa San Juan City

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terrorismo sa isinagawang clean-up drive sa mga estero ng Brgy. Ermitaño, San Juan City nito lamang umaga ng Biyernes, Agosto 25, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng San Juan City Police Station, PNP San Juan Bikers, FTP Batch 2022-02 Class Mahirang, KKDAT San Juan Chapter, at ang mga opisyales ng Brgy. Ermitaño, San Juan City.

Sama-samang naglinis ang bawat isa sa kahabaan ng Waterways (estero) at sa mga eskinita ng nasabing Barangay.

Nilalayon nitong isulong ang pagbabawas ng basura, pag-recycle, at lumikha ng kamalayan sa publiko sa maayos na pagtatapon sa mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *