Force Multipliers nilahukan ang Ugnayan at Dayalogo ng Las Piñas PNP

Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Ugnayan at Dayalogo ng Las Piñas City Police sa Gatchalian Green Valley Covered Court, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City nito lamang Linggo, ika-27 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Station Community Affairs Section sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Arnel A Datul, Chief, SCAS sa pamumuno ni Police Colonel Jaime O Santos, Chief of Police ng Las Piñas CPS.

Ang isinagawang Community Engagement ay tungkol sa Plans and Programs ng PNP na tinalakay sa lahat ng lider ng Force Multipliers ng Las Piñas City.

Layunin nitong bigyan ng kaalaman ang mga tauhan ng barangay patungkol sa ilegal na droga, mga batas, krimen, at insurhensya para maiwasang maging biktima ng mga ito at mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *