Community Outreach Program isinagawa sa MisOcc

Matagumpay na naisagawa ang community outreach program ng ADHIHA Volunteer’s Circle at Revitalized Pulis sa Barangay Sinacaban na ginanap sa San Lorenzo Ruiz Elementary School, Sinacaban, Misamis Occidental nito lamang ika-4 ng Setyembre 2023.

Ilan sa serbisyong handog ng programa ay serbisyong dental at medical, pamimigay ng foodpacks at school supplies.

Saya at pag-asa naman ang naiwan sa mga estudyante sa kanilang natanggap na tulong mula sa nasabing grupo.

Ang mga programang ito ay patuloy na isasagawa ng PNP upang maipadama sa mamamayan ang malasakit at maibigay ang tulong na kanilang kailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *