Youth Empowerment Session nilahukan ng mga Kabataan sa Ifugao

Ang mga kabataan nakiisa sa pagbubukas ng tatlong araw na Youth Empowerment Session sa Mayoyao National High School (MNHS), Balangbang, Mayoyao, Ifugao nito lamang ika-6 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinasinayaan ng Provincial SK-Federation-Ifugao kasama ang 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15 at PNP Special Action Force (SAF).

Dumalo rin sa naturang programa ang Office of the Municipal Mayor, Sangguniang Kabataan, Local Youth Development Office, Municipal Environment and Natural Resources Office, at Lokal na Pamahalaan ng Mayoyao.

Itinampok sa unang araw ang pagbibigay ng impormasyon ng mga tauhan ng Special Action Force ng mga talakayin patungkol sa Youth Violence Prevention/ IEC on VAWC , Anti- Terrorism, mga tungkulin ng Kabataan sa Nation Building at Pangangalaga sa kapaligiran.

Ito ay naglalayong hubugin ang talento ng mga kabataan, gabayan sila sa kanilang tatahakin na kinabukasan, mahasa ang abilidad sa pamumuno at maging katuwang ng pamahalaan kontra kriminalidad at insurhensya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *