Force Multipliers nakiisa sa Tree Planting Activity sa Bamban, Tarlac

Nakiisa ang mga miyembro ng Task Force KASANAG at Dragon Squad sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay San Vicente, Bamban, Tarlac nito lamang Setyembre 7, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Perfecto De Mayo, Chief of Police.

Ang aktibidad ay kaugnay sa programa ng pulisya na “KALIGKASAN” na may layuning protektahan ang ating kalikasan.

Nagtulungan ang pulisya at Force Multipliers sa pagtatanim ng mga punong-kahoy sa nasabing lugar.

Ito ay naglalayong muling mapayabong ang kapaligiran at mapanatili ang kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *