Barangay Based Advocacy Group, nakiisa sa Tree Planting Activity

Nakibahagi at nakiisa ang mga mga myembro ng Barangay Based Advocacy Group ng Gonzaga sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Cabanbanan Norte, Gonzaga, Cagayan noong Setyembre 9, 2023.

Katuwang sa aktibidad ang Gonzaga Police Station sa pamumuno ni Police Major Arnel L Acain, Hepe ng naturang istasyon kasama ang mga aktibong volunteers sa naturang barangay. Nakapagtanim ang grupo ng 35 coconut seedlings sa naturang barangay.

Tunay na ipinakita at pinatunayan ng mga lumahok at kapulisan ang pagiging makakalikasan at pagpapahalaga sa kapaligiran. Patuloy na hinihikayat ng PNP ang publiko lalo na ang mamamayan na makiisa sa mga programang inilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kasaganaan ng likas na yaman.

Source: Gonzaga PS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *