SK at R-PSB nagsagwa ng Basketball Friendship Game sa MisOcc

Masigasig na nagtagisan ng galing ang Revitalized Pulis sa Barangay at mga kabataan sa isinagawang basketball friendship game sa Basketball Court ng Bagong Silang, Lopez Jaena, Misamis Occidental nito lamang ika-9 ng Setyembre 2023.

Ito ay pinangunahan ng R-PSB Misamis Occidental sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Harvey S Abellanosa, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Occidental.

Ang layunin nito ay mas mapalakas ang ugnayan ng kabataan at kapulisan at makita ang pagkakaisa hindi lamang sa loob ng court maging sa tunay na buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *