Advocacy Support Groups, nakiisa sa Tree Planting Activity sa San Mateo, Rizal

Nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Groups sa Tree Planting Activity na ginanap sa Divine Mercy, Phase 2, Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal nito lamang Sabado, Setyembre 9, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng San Mateo Municipal Police Station katuwang ang Municipal Advisory Group for Police Transformation & Development (MAGPTD) at KABAYAN Action Group San Mateo Chapter.

Fruit-bearing trees seedlings tulad ng Guyabano ang naitanim ng mga grupo sa nabanggit na barangay. Layunin nitong mapalakas ang ugnayan ng pulisya at mamamayan, mapanatili ang luntiang kulay na makapagbigay ng lilim, sariwang hangin at pagkain at panangga sa baha at landslide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *