“Balay Mo, Gasa Ko” Project, ipinagkaloob sa isang benepisyaryo sa Maria, Siquijor
Matagumpay na ipinagkaloob sa isang benepisyaryo sa bayan ng Maria, Siquijor ang bagong bahay sa ilalim ng “Balay Mo, Gasa Ko” Project na isinulong ng Maria Police Station kamakailan lamang.
Nanguna sa blessing and turn-over ceremony si PLT SALDY B VILLOCILLO, OIC ng Maria MPS, kasama sina Hon. Rivian Perez – Municipal Councilor ng Maria, Siquijor; PLTCOL ARIEL C PICO, OIC, PPSMU; mga SB Members; MAG Members; Barangay Officials of Lilo-an; at mga Stakeholders.

Nagsimula ang aktibidad sa pamamagitan ng blessing na isinagawa ni Rev. Fr. Jay Enriquez mula sa Our Lady of Divine Parish Church na sinundan ng formal turn-over ceremony kung saan masigasig na tinanggap ni Mr. Elvis Alferez ang nasabing bahay.
Lubos na nagpasalamat ang nasabing benepisyaryo sa suporta at napakalaking tulong ng mga tauhan ng Maria Police Station at Siquijor Police Provincial Office at ng lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang Maria MPS sa bumubuo ng kanilang Municipal Advisory Group at mga Private Stakeholders para sa kanilang pakikipagtulungan upang maging posible ang nasabing proyekto.