Force Multipliers, aktibong nakilahok sa diyalogo sa Pilar, Capiz

Pilar, Capiz- Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Philippine Democratic Guardians International Inc. (PDGII) sa diyalogo na ginanap sa Pilar, Capiz nito lamang ika-8 ng Oktubre 2023.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng Pilar Municipal Police Station na nagbahagi ng usapin sa paglaban sa lahat ng uri ng kriminalidad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

Naging matagumpay ang aktibidad na ito na naglalayong mapalakas ang ugnayan at kooperasyon sa pagitan ng Philippine Democratic Guardians International Inc. (PDGII) at ng mga pwersa ng kapulisan.

Ang aktbidad na ito ay isang magandang halimbawa ng kooperasyon sa pagitan ng lokal na kapulisan at mga miyembro ng force multipliers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *