Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng KKDAT Lapu-Lapu City Chapter

Lapu-Lapu City – Masigasig na nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Lapu-Lapu City Chapter ang isinagawang Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Kalawisan, Lapu-Lapu City noong Oktubre 8, 2023.

Katuwang ng mga naturang grupo ang mga tauhan ng Cebu City Maritime Group, HRMU7 at Collegio De Immaculada Inc. Mandaue.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayong hikayatin ang mamamayan na makiisa at suportahan ang mga programang nagsusulong na pangalagaan ang ating kalikasan para sa maayos at malinis na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *