Unity Walk, Peace Rally and Covenant Signing isinagawa sa Maria Aurora, Aurora

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mamamayan sa Unity Walk, Peace Rally at Covenant Signing para sa payapang Barangay at SK Elections 2023 sa bayan ng Maria Aurora nito lamang Sabado, ika-14 ng Oktubre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Commission on Elections, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard at mga tatakbong kandidato sa iba’t ibang barangay.

Sa aktibidad ay nanumpa ang mga kandidato ng kanilang Integrity Pledge, pumirma sa Peace Covenant at sama-samang naglakad bilang tanda ng kanilang pagkakaisa.

Ang aktibidad ay naglalayong mapagbuklod ang mga tatakbong kandidato upang mapanatili ang mapayapa at maayos na halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *