KKDAT, nakiisa sa Lecture sa Llorente, Eastern Samar

Nakilahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang lecture sa Brgy. Burak, Llorente, Eastern Samar nito lamang Nobyembre 13, 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ms. Lady Ann S. Borac, SK Chairman kasama ang mga tauhan ng 2nd Eastern Samar PMFC at mga kabataan ng nasabing barangay.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong manghikayat at magpalakas sa kakayahan ng mga kabataan sa pagsugpo sa problema sa Illegal Drugs, Bawal Bastos Law at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *