PNP at Barangay Officials, nagkaisa para sa seguridad sa Sampaloc
Nagsagawa ng Zone Ugnayan ang kapulisan sa Zone 43, Sampaloc, Manila bandang alas-6:00 ng gabi noong Abril 11, 2026, bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang mapanatili ang kaayusan at seguridad sa komunidad.

Pinangunahan ang aktibidad ni PLTCOL Inocencio Richard A. Villanueva, Station Commander ng PS4, kasama si PLT Mervin S. Sumang, Lacson PCP Commander. Nakiisa rin sa nasabing pagpupulong ang mga Barangay Chairperson, mga Kagawad na may hawak ng Peace and Order, at mga Ex-Officio members mula sa 12 barangay.
Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang isyu tulad ng petty crimes, pagpapalakas ng police visibility, at mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng mga barangay at Philippine National Police (PNP).

Bilang tugon, binigyang-diin ng PNP ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at city ordinances, dagdag na presensya ng kapulisan sa mga komunidad, at pagpapalakas ng joint patrols katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) upang mapigilan ang kriminalidad at matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Ipinakita ng nasabing aktibidad ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng pamayanan at kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
Source: Sampaloc MPD Manila