Advocacy Support Group, nakiisa sa Pamaskong Handog 2023 sa NegOcc
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang “Pamaskong Handog 2023 sa Sibato Integrated School, Silay City, Negros Occidental nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023.
Ang programa ay kasabay ng pagdiriwang ni PLtCol Edison N Garcia sa kanyang unang Anibersaryo bilang Force Commander ng 1st NOCPMFC.
Ang program ay pinangunahan ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Local Government Unit ng Silay City, PNP Anti-Kidnapping Group, 1st NOCPMFC Advisory Group, Kanlaon Lodge No. 64, Free and Accepted Masons, ICARE PSV, JCI-Bacolod, Pots and Buds Cactus Cafe, Team Binuligay-Silay, PTA Sibato Integrated School, CCW-Silay Chapter, Konseho ng Brgy. Mambulac, at Brgy. Guimbalaon.
Hinandugan ng grupo katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno ang 140 na mag-aaral kasama ang pitumpung (70) mga magulang ng grocery packs, mga laruan, food packs at maikling palaro sa mga bata na karamihan sa kanila ay mula sa tribong Panay-Bukidnon.
Ipinahayag ni G. Role Andrada, ang pasasalamat ng Principal ng Sibato Integrated School na sila ang napiling maging benepisyaryo ng Pamaskong Handog 2023.
Layunin ng grupo at ng iba’t ibang sektor ng lipunan na maipadama ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga komunidad na nangangailangan upang maipakita ang tunay na diwa ng Pasko.