KKDAT Villahermosa, nakiisa sa Simultaneous Tree Planting Activity sa Samar

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Simultaneous Tree Planting Activity na isinagawa sa Brgy. Villahermosa, Calbayog City, Samar nito lamang ika-6 ng Disyembre 2023.

Kalahok sa aktibidad ang mga mag-aaral at guro ng Villahermosa Elementary School, kasama ang mga tauhan ng R-PSB Villahermosa at mga kabataan ng nasabing lugar.

Ang aktibidad ay naaayon sa DepEd memorandum no. 069 series of 2023. Ito ay guidelines sa pagpapatupad ng proyekto DEPED’S 236,000 TREES A Christmas Gift para sa mga kabataan.

Ang programa ay nagpapakita ng serbisyong nagkakaisa upang mapangalagaan at mapayabong ang likas na yaman ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *