Community Outreach Program, isinagawa ng Faith-Based Advocacy Group sa Capiz

Capiz- Nagsagawa ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Support Group ng community outreach program sa Barangay Wright at Libertad Elementary School sa Tapaz, Capiz nito lamang ika-5 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay nilahukan ng 602nd Company, Regional Mobile Force Battalion 6, Philippine Army at sa suporta ng mga guro ng nasabing paaralan.

Matagumpay na ginanap sa aktibidad na gift giving activity, libreng gupit at feeding program na nagdulot ng kasiyahan sa mga mag-aaral.

Ang pagtutulungan ng mga sektor ng simbahan at pulisya ay nagpapakita ng pagkakaisa sa pagtulong sa kapwa at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *