Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng Force Multipliers sa Lapu-Lapu City

Nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Datag Maribago Wharf, Brgy. Maribago, Lapu-Lapu City nito lamang Disyembre 5, 2023.

Lumahok din sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Tourist Police Unit sa pangunguna ni Police Major Judith B Besas, Chief TPU, BFP, Brgy. Maribago LGU, Fraternal Order of Eagles Club, SSI Service Center Philippines at BSDA (Buyong Scuba Diver Association).

Ang mga naturang grupo ay nagtulungan upang mamulot ng mga nakakalat na basura na siyang sumisira sa magandang tanawin ng dagat.

Ang paglilinis na ito ay bunga ng pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tungo sa malinis at magandang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *